PAGBABAGO

Panahon na upang bumangon mula sa pagkalugmok

Boluntaryo nating ipaglaban ang kalayaan at demokrasya

Alisin ang mali, palitan ng tama

Kumalas na tayo sa maling lipunan.

Kapit bisig tungo sa pagbabago

Para sa kasalukuyan at sa darating pa na henerasyon

Ating buhayin pangarap na pinatay ng makabagong panahon

Reyalidad ang susi sa lahat ng ito.

Ito ay hindi lamang laban ng isang nilalang

Kasangkot ka sa lahat ng magagnap

Huwag tayong magpipi-pihan at magbulag-bulagan

Nasa harap na natin ang katusuan.

Tingnan mo ang ating bansa,hindi ba’t kabilang ka din dito?

Kahihiyan mo’y kahihiyan ko din

Sa lahat ng mga Pilipino, sa lahat ng masa

Ikilos natin ang ating mga katawan.

Itigil na natin ang away na nag-ugat sa kasakiman

Abutin mo ang aking kamay

Na nais hugasan ang makasalanan mong kamay

Upang matanglawan mo ang liwanag at iwan na ang karimlan.


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: